GMA Logo Melissa Mendez with Abot Kamay Na Pangarap cast
What's on TV

Melissa Mendez proud na makasama ang anak na si Alexandra Mendez sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published November 16, 2022 2:17 PM PHT
Updated November 16, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Melissa Mendez with Abot Kamay Na Pangarap cast


Mag-ina na sina Melissa at Alexandra Mendez, magkakasama sa ilang eksena sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na ipapalabas mamaya, mapapanood bilang guest sa serye ang seasoned actress na si Melissa Mendez.

Si Melissa ay makikilala rito bilang ina ng isang pasyente sa APEX Medical Hospital.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng aktres na masaya siyang mapabilang sa hit Kapuso serye na ito.

Ngunit bukod dito, masaya rin siya dahil makakatrabaho niya ang kaniyang anak na si Alexandra Mendez sa ilang eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap. First time din na makatrabaho ng mag-ina ang isa't isa sa isang serye.

Makikita sa post ng aktres ang isang larawan habang kasama niya ang kaniyang anak at ang bida sa serye na si Jillian Ward.

Ayon sa post ng aktres, “Guesting in Abot-Kamay Na Pangarap over GMA Network with Jillian Ward and my daughter Alexandra Mendez. Truly grateful to God for this blessing and using angels to bless me. #AKNP is shown daily from Monday to Saturday after Eat Bulaga.”

Ang anak ni Melissa na si Alexandra ay kasalukuyang napapanood sa programa bilang si Jhoanne Lery Dizon, isang sa junior residents sa APEX Medical Hospital at ang supportive at mabait na kaibigan ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Samantala, abangan ang karakter ni Melissa Mendez sa hit GMA drama series.

A post shared by Melissa Yap Mendez (@melissamendez_real)

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.

Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.

KILALANIN KILALANIN ANG IBA PANG KABILANG SA CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: