
Bukod sa naaantig at naaaliw ang mga Kapuso sa kuwento ng inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, kinagigiliwan din ngayon ang videos ng cast nito.
Sa social media accounts ni Chuckie Dreyfus, ang gumaganap na Dr. Rey Meneses sa serye, mapapanood ang makukulit na videos habang kasama niya ang ilan sa kaniyang co-stars.
Kapansin-pansin na mas nae-enjoy ni Chuckie ang kaniyang trabaho habang nakikipag-TikTok at nakikipagkulitan sa kaniyang mga kapwa aktor tuwing break time nila sa taping.
Sa latest videos na inupload niya sa TikTok, mapapanood na pagpa-prank naman ang kaniyang bagong gimik.
Makikita sa videos na ibinahagi ng aktor na gumamit siya ng 'Closed eyes' filter sa TikTok para i-prank si Che Cosio, na kilala sa programa bilang si Dra. Katie Enriquez; at ang Chinito actor na si Richard Yap, na gumaganap naman bilang si Dr. RJ Tanyag sa hit Kapuso serye.
Nagtagumpay si Chuckie sa pagpa-prank kay Che pero nang subukan na niya ito kay Richard, prank gone wrong naman ang kinalabasan ng kaniyang pangungulit.
Panoorin ang prank videos na ito:
@chuckiedreyfus O, ha! @chebureche0430, bilib ka sa powers ko, ano? 😅😝🫣 #AbotKamayNaPangarap #AKNP #closedeyesfilter #tiktokph #fyppppppppppppppppppppppp ♬ Manke, honobo, everyday, funny, loop - arachang
@chuckiedreyfus Closed eyes filter prank -- Attempt number 2. Kay @iamrichardyap naman. Simula pa lang, fail na! Haha! 😅 Pero yung unang attempt ko (kay @chebureche0430) ay super success. Haha! Watch here: @chuckiedreyfus #AbotKamayNaPangarap #AKNP #tiktokph #fyppppppppppppppppppppppp #closeeyesfilter ♬ Monkeys Spinning Monkeys - Kevin MacLeod & Kevin The Monkey
Bukod sa mga kasama ni Chuckie sa prank videos, tuwang-tuwa rin ang ilang netizens sa paandar na ito.
Ang ilang netizens, may request pa sa cast.
Abangan ang iba pang makukulit na gimik ng cast!
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
Kung gusto n'yo namang balikan ang previous episodes ng Abot-Kamay Na Pangarap bisitahin lamang ang link na ito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: