GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star na si Jillian Ward, patuloy na hinahangaan ng netizens

By EJ Chua
Published December 14, 2022 11:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Netizens, bilib na bilib kay Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos!

Patuloy na hinahangaan ng netizens ang dating child star na si Jillian Ward na kasalukuyang napapanood sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Hindi maikakaila na marami ang humahanga sa kaniya at sa kaniyang talento sa pag-arte mula noong siya ay bata pa hanggang sa ngayon.

Sa latest episodes ng serye, labis na napabilib ni Jillian ang mga Kapuso dahil sa kaniyang outstanding acting skills.

Nang dukutin ng mga armadong lalaki sina Dra. Analyn (Jillian Ward), Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke (Andre Paras) habang sila ay nasa isang medical mission, ipinamalas ng young actress ang natural na husay niya sa pag-arte.

Sa ilang mga eksena, napanood si Jillian na pilit na nagpupumiglas habang bitbit siya ng isang kidnapper.

Napanood din ang kaniyang husay sa pag-iyak na tila totoong-totoo ang pagkakadukot sa kanila.

Sa ilang social media posts ng GMA Network tungkol sa programa, makikita ang ilang positive comments ng viewers at netizens tungkol kay Jillian.

Comments

Patuloy na subaybayan si Jillian Ward sa hit afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: