
Kasalukuyang napapanood ang former Apoy Sa Langit actress na si Lianne Valentin sa hit GMA afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Bilang guest actress sa serye, ginagampanan niya rito ang karakter ni Risa, ang buntis na nanghihingi ng tulong sa APEX doctors upang mailigtas ang kaniyang ama na tinamaan ng bala ng baril sa katawan.
Kasunod ng appearance ni Lianne sa naturang GMA inspirational-medical drama series, muling naging usap-usapan ang kaniyang pangalan sa social media.
Ilang netizens ang nagsabing namimiss daw nila si Lianne bilang si Stella sa drama series na Apoy Sa Langit.
Bukod sa marami ang humahanga sa acting skills ng aktres, ang ilan ay kinaaliwan naman ang kaniyang karakter bilang isang buntis, na kapareho sa role niya noon bilang si Stella.
Napapanood ang aktres sa ilang eksena bilang asawa ni Oscar (Anjo Damiles) at anak ni Mang Cesar, ang matandang lalaki na tinamaan ng bala ng baril dahil sa isang engkuwentro.
Hanggang ngayon ay bihag pa rin nina Risa at Oscar ang APEX doctors na sina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke Antonio (Andre Paras).
Makakaligtas pa kaya sila mula sa kamay ng kidnappers?
Patuloy tumutok sa hit afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG STYLISH PHOTOS NI LIANNE VALENTIN SA GALLERY SA IBABA: