
Patuloy na namamayagpag sa ratings ang GMA afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap!
Bukod sa umaani ng million views ang videos tungkol sa serye sa social media, panalo sa ratings ang show na ito na pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Ang mga aktres ay napapanood dito bilang ang mag-ina na sina Lyneth at Analyn Santos.
Ayon sa tala ng Nielsen Philippines, ang episode na ipinalabas kahapon, December 15 na may hashtag na #Pagliligtas ay nakakuha ng 9.8 % rating.
Dito ay napanood ng mga Kapuso kung paano ginamot ni Dra. Analyn ang lalaking tinamaan ng bala ng baril sa katawan na tatay ni Risa (Lianne Valentin).
Panoorin ang naturang episode sa video na ito:
Bago pa ito, nakakuha naman 9.2 % rating ang episode kung saan inako ng pinakabatang doktor ang pag-oopera sa tatay ni Risa na dapat ay si Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi) ang gagawa.
Balikan ang tagpong ito sa video:
Kapansin-pansin na patuloy ang pagsubaybay ng netizens at mga manonood sa intense na mga eksena ng serye.
Matatandaan ang unang linggo ng Kapuso serye ay nakakuha noon ng ratings na 6.3 percent hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang pagtaas nito.
Abangan ang mga susunod na tagpo sa hit GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: