
Napanood n'yo ba ang matitinding mga eksena na ipinalabas noong nakaraang linggo sa Abot-Kamay Na Pangarap?
Nang ipadala para sa isang medical mission ang APEX doctors, hindi nila inaasahang mayroong panganib na naghihintay sa kanilang pinuntahan.
Dinukot sila ng mga armadong lalaki upang gamitin ang mga kakayahan nito para iligtas ang buhay ng kanilang mga kasamahan na nasugatan sa isang engkwentro.
Napanood noong nakaraang linggo na labis na prinotekatahan nina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke Antonio (Andre Paras) ang isa't isa habang bihag sila ng mga armadong lalaki.
Nasaksihan din ng ilang manonood kung paano sinubukan ng tatlong doktor na makatakas mula sa mga taong dumukot sa kanila.
Bukod dito, natunghayan din ang selosan sa pagitan nina Doc RJ (Richard Yap) at Michael (Dominic Ochoa) na parehas na gustong palakasin ang loob ni Lyneth (Carmina Villarroel) habang patuloy na inaalam ng mga otoridad kung paano maililigtas ang buhay ni Analyn.
Panoorin ang ilang mga eksenang napanood sa Abot-Kamay Na Pangarap noong nakaraang linggo sa video na ito:
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream. Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: