
Isa sa mga inaabangan ng mga manonood sa trending na GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, ay ang mga eksena nina Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) at Reagan Tibayan (Jeff Moses).
Si Reagan ay ang janitor sa APEX Medical Hospital na nagkakagusto sa genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn.
Noong nakaraang linggo, pumunta si Reagan sa bahay nina Dra. Analyn dahil gusto nitong magpaalam tungkol sa plano niyang panliligaw.
Ngunit nang napanghinaan siya nang loob, nag-imbento siya na may kaibigan siyang gustong manligaw kay Dra. Analyn.
Habang sila ay magkausap, hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang katotohanan na balak niyang manligaw dahil sa mga narinig niya mula kay Dra. Analyn.
Ayon kay Dra. Analyn, hindi pa siya handa at hindi siya interesado sa pakikipagrelasyon dahil gusto niyang mag-focus sa kaniyang career bilang isang doktor.
Panoorin ang latest na eksena nina Reagan at Dra. Analyn sa video na ito:
Sa previous episodes ng serye, kinakiligan ang karakter ni Jeff bilang si Reagan dahil sa sweet moments na napanood ng mga Kapuso habang kaeksena niya si Dra. Analyn sa Miss APEX beauty pageant at sa APEX outing.
May pag-asa pa kayang mapasagot ni Reagan si Dra. Analyn?
Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, KILALANIN PA ANG BAGONG KAPUSO LEADING MAN NA SI JEFF MOSES SA GALLERY SA IBABA: