GMA Logo Arny Ross
What's on TV

Arny Ross feels grateful to be part of hit GMA series 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published January 5, 2023 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Arny Ross


Arny Ross, hindi raw inaasahan na makakabalik agad sa pag-arte limang buwan matapos niyang isilang ang baby boy na si Jordan Franco.

Isa ang Kapuso star na si Arny Ross sa guest actors na napapanood ngayon sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ilang buwan matapos isilang ang kaniyang unang anak na si Jordan Franco sa kaniyang non-showbiz partner na si Franklin Banogon, balik showbiz na si Arny.

Kasalukuyang siyang napapanood sa serye bilang si Bea Almazan, ang dating mistress ng asawa ni Dra. Katie Enriquez, ang karakter na ginagampanan naman ni Che Cosio.

Sa kaniyang latest post sa Instagram, ibinahagi ni Arny ang isang IG reel kung saan mapapanood ang ilang eksena nila ng chief resident sa hit Kapuso serye.

Kakabit nito ang kaniyang caption na, “5 months after giving birth, di ko inexpect na makakabalik teleserye agad ako. Nung nag stop din ako nung pinagbubuntis ko si @babyjordanfranco, andun yung ayoko muna manood ng teleseryes, kasi mamimiss ko lang lalo umarte, magtrabaho, mamimiss ko mga kasama ko. Namiss ko lahat sa taping, namiss ko yung intayan mode sa eksena mo, magkabisa ng script, mag-empake ng mga gamit na kailangan ko, mag rehearsal take, makinig sa direktor, makipagkwentuhan sa co-artists, pag-aralan ang character, mag-internalize, basta lahat ng detalye sa taping namiss ko. Kasi ibang iba ang mundo ng pagiging Nanay [heart emoji].”

Dagdag pa ni Arny, “Napakasarap at napakasaya maging nanay, pero siyempre once in a while hahanap hanapin mo pa rin talaga yung trabaho, iba yung passion eh! Kaya I'm so thankful to have given a chance to play the role of Bea Almazan for Abot Kamay Na Pangarap, at s mga nakasma ko s show esp. kina Direk LA & Direk April, maraming maraming salamat po! Dra. Enriquez @chebureche0430, salamat Ate. @msvansoyosa, thank you Ate… Nood po tayo, #AbotKamayNaPangarap.”

Kasunod ng kaniyang post, mababasa ang pagbati ng kaniyang asawa na si Franklin.

A post shared by Arny Ross (@iamarnyross)

Bukod sa aktres, napapanood din ngayon bilang guest actors sa serye ang kaniyang Bubble Gang co-star na si Betong Sumaya at ang Sparkle artist na si Zonia Mejia.

Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Samantala, abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: