GMA Logo Jillian Ward and Cassy Legaspi
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Teenager na pasyente ni Dra. Analyn, may malubhang sakit

By EJ Chua
Published January 9, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Cassy Legaspi


Bagong pasyente ng genius doctor na si Dra. Analyn, mayroong Stage 5 Chronic Kidney Disease.

Sa pagpapatuloy ng hit Kapuso series na Abot-Kamay Na Pangarap, mayroong bagong pasyente ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Ang pasyente ni Dra. Analyn ngayon ay si Jewel, ang karakter na ginagampanan ni Cassy Legaspi sa serye.

Matapos ang ilang medical process, nalaman ng genius doctor na mayroong malubhang sakit si Jewel.

Lumabas sa resulta nito na mayroon siyang Stage 5 Chronic Kidney Disease.

Isang araw, inabutan ni Dra. Analyn si Jewel na mag-isa sa kwarto nito sa ospital at inamin na niya rito ang tunay na karamdaman ng dalaga.

Bago pa ito, nahuli ng batang doktor na nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang pasyente.

Samantala, kasalukuyan ding napapanood ngayon bilang guest actor sa serye ang kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi.

Ang Legaspi twins ay mga anak ng Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Carmina Villarroel.

Panoorin ang eksenang ito:

Ano kaya ang maitutulong ni Dra. Analyn sa kaniyang pasyente na si Jewel?

Abangan ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: