GMA Logo Richard Yap, Pinky Amador, and Dominic Ochoa
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Awkward! Michael, inimbitahan sina Doc RJ at Moira sa kasal nila ni Lyneth

By EJ Chua
Published January 25, 2023 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap, Pinky Amador, and Dominic Ochoa


Michael, sure na sure ka na bang magpapakasal sa'yo si Lyneth?

Sa pagpapatuloy ng pinag-uusapang serye ngayon sa GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay Na Pangarap, muling nagkaharap-harap sina Michael (Dominic Ochoa), Moira (Pinky Amador), at Doc RJ (Richard Yap).

Hindi na pinalampas ni Michael na ipaalam kay Doc RJ na pumayag na si Lyneth (Carmina Villarroel) na magpakasal sa kaniya.

Nang dumating si Moira, binanggit niya rito na gusto niyang imbitahan ito at ang kaniyang asawa sa papalapit na pag-iisang dibdib nila ni Lyneth.

Ikinagulat ni Doc RJ ang kaniyang narinig dahil iniisip niya kung totoong gusto ni Lyneth na pakasalan ni Michael.

Habang sila ay nag-uusap, binanggit pa ni Michael na muntikan pang umatras si Lyneth sa kanilang engagement dahil hindi pa raw ito handa.

Natapos ang pag-uusap nilang tatlo nang sabihin ni Moira na masaya siya para sa mga plano nina Michael at Lyneth.

Tuloy na tuloy na kaya ang kasalan?

May balak pa kaya si RJ na habulin si Lyneth at pigilan ito sa pagpapakasal kay Michael?

Panoorin ang eksenang 'yan dito:

Bukod kina Carmina, Dominic, Richard, at Pinky, napapanood din sa hit GMA series sina Jillian Ward, Kazel Kinouchi, Andre Paras, Jeff Moses, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.

Huwag palampasin ang mga susunod na kapana-panabik na eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: