
Isa na namang aktor ang bibisita sa trending na GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ngayong Martes, January 31, mapapanood sa serye ang veteran actor na si Leo Martinez.
Gaganap siya rito bilang si Pepe, ang bagong pasyente ng pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).
Mayroong karamdaman ang karakter ng aktor sa serye at tila kilala niya ang APEX medical director na si Doc RJ Tanyag (Richard Yap).
Sino kaya talaga si Pepe?
Bakit parang kilalang-kilala niya si Doc RJ?
Samantala, bukod sa veteran actor, una nang napanood bilang mga bisita sa hit GMA series ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Sina Max Collins at Dion Ignacio naman ang pinakahuling napanood bilang guest actors sa programa.
Huwag palampasin ang mga eksena nina Leo, Jillian, at Richard sa isa sa mga pinag-uusapang programa ngayon Philippine television.
Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:
Subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
BALIKAN ANG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SCENES NA NAG-VIRAL ONLINE SA GALLERY SA IBABA: