
Kasalukuyang napapanood ang Filipino actor na si Allen Dizon sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ginagampanan ni Allen sa serye ang karakter ni Doc Carlos Benitez, ang tunay na ama ng bully doctor na si Zoey (Kazel Kinouchi).
Noong nakaraang linggo, natunghayan ng mga manonood ang paglabas ng karakter ng aktor sa programa nang puntahan siya ni Moira (Pinky Amador).
Kinausap ni Moira si Doc Carlos upang aminin na anak nilang dalawa si Zoey.
Gulat na gulat ang doktor sa kaniyang narinig pero kahit na hindi siya makapaniwala ay tila magsisimula na sina Moira at Zoey na pumasok sa kaniyang buhay.
Samantala, mula nang lumabas ang karakter ni Allen sa serye, tila mas naging maingay ang kaniyang pangalan sa social media.
Ilang viewers kasi ng drama series ang nag-react sa kagwapuhang taglay ng aktor, na ayon din sa kanila ay sakto sa karakter niya bilang tatay ni Zoey.
Matatanggap kaya ni Doc Carlos ang katotohanan na anak niya si Zoey?
Panoorin ang eksenang ito:
Patuloy na tumutok sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: