
Sa pagpapatuloy ng istorya ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, unti-unting nadadagdagan ang mga taong nang-aapi sa genius at young doctor na si Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.
Dahil sa mga naririnig ni Lolo Pepe (Leo Martinez) tungkol kay Analyn, tila mas napalayo ang loob niya sa kanyang apo.
Tila napapaikot na ni Zoey (Kazel Kinouchi) si Lolo Pepe kaya naman siya na ang laging kinakampihan nito.
Matatandaang sa isang event, sinamahan pa ni Lolo Pepe si Zoey at tila naawa siya rito nang mag-away sila ni Analyn.
Kahit walang ginagawang masama si Analyn, masama pa rin ang tingin ngayon sa kanya ni Lolo Pepe dahil iniisip niyang si Zoey ang legitimate daughter ng kanyang anak.
Sa isang eksena, ipinamukha pa ni Lolo Pepe kay Analyn na dapat daw ay ilugar niya ang kanyang sarili dahil anak lang siya sa labas ni Doc RJ.
Kasunod nito, labis na nasaktan si Analyn at ikinuwento niya na lang ito sa kanyang lola na si Aling Susan (Dexter Doria).
Ilang araw lang ang nakalipas, muli na namang sinita ni Lolo Pepe si Analyn.
Pinagbibintangan ni Lolo Pepe si Analyn na dahil daw pinagalitan niya ito ay nagbabalak itong lumipat sa Eastridge Medical Hospital, ang ospital kung saan nagtatrabaho ang tunay na ama ni Zoey na si Doc Carlos (Allen Dizon).
Nang magkausap niya si Analyn tungkol dito, agad na nagpaliwanag si Analyn sa kanya, at narinig din ito ni Aling Susan.
Sabi ni Analyn, “Lo, kahit ipinapamukha n'yo po sa akin na anak ako sa labas, hindi po ako lilipat ng ospital.”
Matapos nito, tila hindi na nakapagsalita si Lolo Pepe dahil halos mapahiya siya nang maalala niya ang sinabi niya noon kay Analyn.
Panoorin ang mga eksenang ito:
Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog na mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: