
Sa pagpapatuloy ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila mayroong nakokonsensya sa mga ginagawa niya kay Doc RJ (Richard Yap).
Kahit nalaman na ni Zoey (Kazel Kinouchi) na hindi niya tunay na ama si Doc RJ, tila magaan pa rin ang loob niya sa doktor na kinilala niyang ama sa loob ng mahabang panahon.
Bago pirmahan ng kaniyang mommy na si Moira (Pinky Amador) ang do-not-resuscitate order o DNR order, labis na napaisip si Zoey tungkol sa pinaplano nila kay Doc RJ.
Alam ni Zoey na kaya gustong pumirma ng kanyang mommy ay para mapigilan ang pagkalat ng kanilang sikreto na siya ay anak ni Moira sa ibang lalaki at hindi kay Doc RJ Tanyag.
Tila kahit ano ay kaya nang gawin ni Moira mapangalagaan lang ang sikreto niya tungkol sa tunay na pagkatao ng kanyang anak.
Habang naaalala ang ilang pinagsamahan nila ni Doc RJ, labis na nakonsensya si Zoey sa mga ginagawa nila ni Moira.
Nang mga oras na iyon, biglang dumating si Moira at sinabi hahanap na sila at pipili ng kabaong para kay Doc RJ kahit na buhay pa ito.
Narinig ni Analyn (Jillian Ward) ang binabalak ni Moira at galit na galit ang batang doktor sa binabalak nito.
Kasunod nito, nagulat si Moira nang biglang kampihan ni Zoey si Analyn, at ipinaglaban nito si Doc RJ.
Habang nagtatalo, gulat na gulat sina Analyn, Zoey, at Moira, nang sabihin ni Doc Rey (Chuckie Dreyfus) na nagising na si Doc RJ.
Kitang-kita sa mukha ni Zoey na masaya siya sa natanggap nilang balita habang si Moira ay sobrang natatakot at kinakabahan.
Panoorin dito ang eksenang ito:
Babaligtad na kaya si Zoey kay Moira?
Magtutuluy-tuloy na kaya ang pagkakampihan nila ni Analyn?
Huwag palampasin ang susunod pang mga pasabog na eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG CATFIGHT SCENES NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: