GMA Logo Kazel Kinouchi
Courtesy: kazelkinouchi (IG) and GMA Network
What's on TV

Kazel Kinouchi, paano hina-handle ang bashers ni Zoey sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'?

By EJ Chua
Published March 25, 2023 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi


Kazel Kinouchi sa haters ni Zoey: “Iniisip ko na lang na kapag naiinis sila sa akin, ibig sabihin effective ako sa role ko…”

Kasalukuyang napapanood ang Sparkle star na si Kazel Kinouchi sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang isang kontrabida.

Kilalang kilala siya rito ng mga manonood at netizens bilang si Dra. Zoey Tanyag, ang bully doctor na laging nang-aapi kay Dra. Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.

Siya rin ang anak ni Moira Tanyag (Pinky Amador) na inakala ng lahat na anak din ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kazel, sinagot niya ang katanungan kung paano niya hina-handle ang pagkakaroon niya ng bashers at haters dahil sa karakter niya sa naturang hit GMA series.

Pagbabahagi ng aktres, “Hindi talaga ako nagbabasa ng comments as much as possible lalo na pag-live. May mga nababasa naman akong comments na nabubwisit sila sa character kong si Zoey pero 'yun kapag mga nababasa ko na ay… okay stop na. Kasi siyempre, pinoprotektahan ko rin 'yung peace ko ganon. Iniisip ko na lang na kapag naiinis sila sa akin, ibig sabihin effective ako sa role ko. So, it's still a compliment for me.”

Noong Miyerkules, March 22, live na napanood si Kazel sa Kapuso ArtisTambayan kasama ang ilan sa kanyang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars na sina Jillian Ward, Andre Paras, at Jeff Moses.

Sa kalagitnaan ng event, sinubukan ng host ng event na si Betong Sumaya ang husay si Kazel sa pagiging isang kontrabida.

Ang karakter ni Betong sa Bubble Gang na si Antonietta ay nakipagtarayan kina Doc Zoey at Doc Analyn.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Maaaring balikan ang mga nangyari sa guesting ng Abot-Kamay Na Pangarap stars sa Kapuso ArtisTambayan sa video sa ibaba:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG MOST TALKED-ABOUT SISTER MOMENTS NINA ANALYN AT ZOEY SA GALLERY SA IBABA: