GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
PHOTO SOURCE: YouTube: ATM (Adventure.Taste.Moments)
What's on TV

Allen Ansay at Sofia Pablo, inamin ang nagustuhan sa isa't isa sa compatibility test

By Maine Aquino
Published February 15, 2023 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Sa isang compatibility test, nasubukan kung gaano kakilala nina Allen Ansay at Sofia Pablo ang isa't isa.

Isang cute at nakakakilig na compatibility ang test ang hinarap nina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Sa All-Out Sundays, nakausap ng ATM (Adventure.Taste.Moments) sina Allen at Sofia o Team Jolly para sagutin ang ilang mga katanungan sa compatibility test. Game na game naman itong hinarap ng Kapuso loveteam.

Ilan sa mga tinanong sa stars ng Luv Is: : Caught in His Arms ay ang kanilang favorite songs, movies, at kung sino ang mas madalas tumawag o mag-message sa isa't isa.

PHOTO SOURCE: YouTube: ATM (Adventure.Taste.Moments)

Isa pa sa nabuking sa online exclusive na ito ay ang nagustuhan nina Allen at Sofia sa isa't isa.

Pag-amin ni Sofia, gusto niya na hindi tumitingin sa ibang babae si Allen.

"Inobserbahan ko na siya at hindi talaga siya ganoon.

Ayon pa kay Sofia, pati ang kanyang ina ay na-witness ito at napahanga kay Allen.

"Si mommy rin 'pag wala ako, pa-simple niyang inoobserbahan si Allen... nakayuko lang siya. 'Yun 'yung natutuwa ako sa kanya.

Para kay Allen naman, nagustuhan niya kay Sofia ang pagiging simple nito.

Saad ng Kapuso young actor, "Si Sofi, kung ano man nakikita ninyo sa TV, sa ano mang platform sa social media, 'pag nakilala ninyo siya sa personal, hindi siya ganoon."

"Napaka-simple niya lang." Proud na kuwento ni Allen tungkol sa kanyang ka-love team.

Panoorin ang kanilang masayang aminan sa video na ito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA ALLEN AT SOFIA DITO: