GMA Logo bong revilla
What's on TV

Bong Revilla, malaki ang pasasalamat sa 'Agimat ng Agila'

By Bianca Geli
Published April 29, 2021 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos says assets of firms, 2 solons linked to flood control mess now frozen
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

bong revilla


Mapanonood si Ramon "Bong" Revilla Jr. bilang si Major Gabriel Labrador sa 'Agimat ng Agila' tuwing Sabado simula May 1.

Taos-puso ang pasasalamat ni Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pagkakataong gumanap muli bilang lead role sa isang programa.

Sa online press conference ng upcoming GMA weekend show na Agimat ng Agila, sinabi ni Bong, "Unang una I'm very happy to be back on GMA television, dito sa aking first love.

"'Yung passion ko nandito, aside from public service.

"Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin.

"Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandyan sila at hindi nila ako pinabayaan."

Dagdag ni Bong, noon pa man ay loyal siya sa pagiging Kapuso.

"From the very beginning, GMA naman ako talaga, so hanggang ngayon Kapuso pa rin ako.

"We made sure na 'yung hinahanap ng ating mga viewers ay mapapanood nila dito sa Agimat ng Agila."

Ibinahagi rin ng aktor ang naging challenges sa kanilang lock-in taping.

Kwento niya, "Pinaka-challenging dito 'yung nagti-taping kayo na hindi mo alam kung ano 'yung mga mangyayari sa 'yo dahil sa pandemic.

"Kahit na talaga namang kasagan ng COVID-19, pero kailangan magtrabaho pa rin 'yung mga tao, hindi pwedeng hindi na lang tayo gagalaw.

"Kailangan din natin makatulong sa mga kapatid natin sa industriya.

"Kailangan makapagbigay tayo ng trabaho at makapagpasaya tayo ng mga tao."

Dagdag pa niya, "Ang pinaka-challenge talaga rito is makagawa tayo ng magandang proyekto at makauwi tayo ng bahay ng buhay lahat.

"Nagawa naman namin 'yun at nakagawa kami ng isang magandang proyekto na maipagmamalaki natin lahat."

Sa Agimat ng Agila, gagampanan ni Bong ang karakter ni Major Gabriel Labrador.

Ayon sa aktor, marami siyang gusto sa kanyang karakter, "Bilang isang forest ranger, 'yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at 'yung Filipino core values nandito.

"'Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.

"'Yung pinakamahalaga na hindi natin dapat mawala ay 'yung pagmamahal natin sa kalikasan na hindi natin dapat makalimutan."

Marami rin gustong maibahagi si Bong sa publiko sa pamamagitan ng Agimat ng Agila.

"This is something new, nakapagbigay ka ng magandang storya, magandang effects, at ipapakita natin 'yung mga nakakalimutan natin tungkol sa kalikasan," aniya.

Panoorin ang trailer ng Agimat ng Agila:

Silipin ang ilang mga eksena sa Agimat ng Agila sa gallery na ito: