GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, mapapanood na sa 'Agimat ng Agila' ngayong Sabado

By Bianca Geli
Published May 20, 2021 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Mapapanood na ngayong Sabado sa 'Agimat ng Agila' ang karakter ni Maya na gagampanan ni Sanya Lopez.

Mapapanood na si Sanya Lopez bilang ang palaban na si Maya sa Agimat ng Agila simula ngayong Sabado, May 22.

Tiyak na mapapabilib ang fans ni Sanya sa kanyang mga action scenes at matapang na karakter.

Dapat din abangan ang magiging koneksyon ni Maya sa karakter ni Major Gabriel Labrador na ginagampanan ni Ramon "Bong" Revilla Jr.

Kuwento ni Sanya sa isang online press interview, "Pinakaina-admire ko sa role ko bilang Maya siguro 'yung pagiging independent niya na kaya niyang mabuhay at tumayo sa sarili niyang mga paa na hindi niya inaasa sa iba.

"Nandoon din 'yung pagiging mapagmahal niya kay Nanay Berta [Elizabeth Oropesa] niya.

"Lahat gagawin niya alang-alang sa Nanay Berta niya.

"Ipaglalaban niya rin 'yung mga taong mahal niya. Isa na roon of course is si Sen. Bong, si Gabriel."

Abangan ang Agimat ng Agila tuwing Sabado, 7:15 PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Kilalanin ang cast ng Agimat ng Agila sa gallery sa ibaba: