
Sa huling Sabado ng Agimat ng Agila may mensahe ang ilan sa miyembro ng cast ng action-fantaserye.
Taos-puso ang pasasalamat ni Kapuso actress Sanya Lopez na gumanap bilang Maya.
Aniya, "Mga Kapuso, maraming salamat po sa pagsuporta niyo sa Agimat ng Agila at sa palagi niyong pagpapa-trend sa amin. Inabangan niyo kami simula umpisa hanggang sa pagdating sa dulo. Sana po manood kayo ng Agimat ng Agila sobrang kapanapanabik po ang bawat eksena."
Ang bidang si Bong Revilla naman na gumanap bilang Gabriel, nagbigay mensahe rin sa mga Kapuso.
"Mga Kapuso, maraming maraming salamat po inyong suporta at sa pagtutok sa Agimat ng Agila, at tutok po tayo sa ating finale marami po kaming sorpresa para sa inyo."
Para naman kay Michelle Dee na gumanap as Serpenta, 'di niya malilimutan ang naging kakaibang role sa serye.
"Hello mga Kapuso, Michelle Dee po ito as Serpenta. Salamat po sa patuloy na pagsuporta niyo sa Agimat ng Agila. Malapit na po tayo matapos ang I just want to thank you all. Sobrang excited po kami na ipakita sa inyo 'yung pinaghirapan namin sana patuloy niyo pong suportahan ang show namin."
Si Benjie Paras naman, ikinagalak ang role bilang Wesley.
"Naging successful po ang serye namin dahil po sa inyong walang sawang pagsubaybay. Maraming salamat po, sa lahat po ng bumubuo ng Agimat ng Agila, sa lahat po ng crew at kapwa ko artista, marami pong salamat."
Naging kontrabida man bilang Gerry si Allen Dizon, abot-abot ang pasasalamat niya sa lahat ng mga sumubaybay sa programa. "Sana po nagustuhan niyo ang aming Agimat ng Agila, taus-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga sumuporta."
Si Miggs Cuaderno naman na gumanap bilang Bidoy, inanyayahan ang lahat na tutukan ang huling laban ng Agimat ng Agila.
"Hello mga Kapuso, gusto ko lang po kayong pasalamatan sa suporta niyo tuwin Sabado. 'Wag niyo pong palampasin ang huling Sabado ng Agimat ng Agila dito lamang po sa GMA-7."
Huwag palampasin ang Agimat ng Agila, ngayong Sabado 7:15 pm pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Kilalanin ang cast ng Agimat ng Agila: