What's on TV

Alamat: Ang pinagmulan ng saging

By Jansen Ramos
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated October 6, 2020 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Alamat ng saging


Hindi man sila nagkatuluyan, dama pa rin ni Juana ang tamis ng pagmamahal ni Aging.

Ngayong 2020, muling ipapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.

Sa makasaysayan nitong ika-sampung pagtatanghal, natunghayan ang "Alamat ng Saging."

Sa isang bayan, may isang dalagang nagngangalang Juana.

Si Juana ay masipag at maganda kaya naman walang hangad ang kanyang amang si Mang Hulyo kung 'di mapangasawa nito si Don Felipe. Ni hindi pinapalabas ng bahay ni Mang Hulyo ang kanyang anak para walang ibang magkagusto rito.

Isang araw, nagdeliryo ang kabayo ni Mang Hulyo habang papunta sa kanyang trabaho sa hacienda ni Don Felipe.

Tinulungan naman siya ng binatang si Aging at hiniling dito na bantayan si Juana at dalhin sa hacienda. Dito kasi pansamantalang pinatitira ni Don Felipe ang dalaga dahil ayaw ng ama nitong mawalay sa kanya habang siya ay nagtatrabaho.

Tuwang-tuwa si Juana nang makalabas siya ng bahay, lalo pa noong dinala siya ni Aging sa batis. Kalaunan ay nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

Nang makarating na sila sa hacienda, tila ikinulong din ni Mang Hulyo si Juana. Buti na lang naroon si Aging para siya ay pasayahin.

Dahil napapasin ni Mang Hulyo ang pagiging malapit ng kanyang anak sa binata, pinaratangan ni Mang Hulyo si Aging na magnanakaw---magnanakaw ng puso ni Juana na dapat ay para kay Don Felipe lamang.

Pinarusahan si Aging sa pamamagitan ng pagputol sa kanyang mga kamay at saka ikinulong. Walang nagawa si Juana kung 'di mangulila sa pagmamahal ng binata.

Tinabi ni Juana ang mga putol na kamay ni Aging at inilibing ito sa lupa. Sa lugar kung saan niya ito ibinaon, tumubo ang isang kakaibang halaman na mayroong gintong bunga na tila mga daliri--simbolo ng walang hanggang pagmamahal ni Aging para kay Juana.

Ang tagapagsalaysay ay ginampanan ni Benjamin Alves. Maliban sa pagiging narrator, siya rin ang tinig sa likod ni Aging.

Samantala, si LJ Reyes naman ang nagbigay-buhay sa karakter ni Juana.

Ang alamat ng saging ay ang ika-limang handog sa ikalawang aklat ng Alamat. Orihinal itong ipinalabas noong June 12, 2016.

Maaaring mapanood ang aired full episodes ng first local animated anthology series sa GMANetwork.com at GMA Network app.