
Naki-jamming kasama ang All-Out Sundays barkada ang legendary OPM icon na si Renz Verano na nagpauso ng mga hit songs noong 90s' tulad ng "Remember Me," "IBang-iba Ka Na," "Tanging Ikaw," at "Ilang Taon Akong Umasa."
Ibinida ni Renz and kanyang bagong single na "Gigising Na Ako" sa All-Out Sundays stage kasama sina Christian Bautista, John Rex, at Garrett Bolden,
Ayon kay Renz, "'Yung kanta, kasama niya 'yung mahal niya sa buhay sa panaginip kaya sinusulit niya na, niyayakap niya na, inaawitan niya na, dahil bukas gigising na [siya] at wala na siya."
Patuloy na panoorin ang All-Out Sundays tuwing linggo, 12 noon sa GMA-7 kasabay ng livestream sa All-Out Sundays Facebook, at GMA YouTube channel.
Balikan ang kanyang performance: