GMA Logo All Out Sundays
What's on TV

'All-Out Sundays' stars, may bagong manifestations at mantra ngayong 2025

By Kristian Eric Javier
Published January 5, 2025 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Captain, crew members in deadly Guyana ferry accident charged with murder
Dangerous drugs worth almost P700M destroyed in Cebu City
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

All Out Sundays


Alamin ang manifestations at manta ng ilang 'All-Out Sundays' Barkada dito.

Fiercer, bolder, at levelled up ang manifestations ng ilang All-Out Sundays barkada para ngayong 2025.

Isa na riyan si Asia's Limitless star Julie Anne San Jose na may mga pinaplano ng mga concert here and abroad, at maging ang pagbabalik serye ng singer-actress ngayong taon. Ngunit ngayong 2025, sinabi niya sa panayam nila kay Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend nitong January 4 na mas pagtutuunan rin niya ang kaniyang mental health.

“This year, I wanna focus on my growth, and sa kung ano 'yung magpapa-calm ng isip ko or sa peace of mind,” sabi ni Julie.

Isang bagong single naman ang regalo ni Rita Daniela sa kaniyang fans ngayong January, at ipinangakong magiging mas mabuting ina siya sa anak na si Uno. Dala-dala rin ng Widows' War actress ang mga leksyon na natutunan niya sa 2024 ngayong 2025.

“Du'n tayo sa tama and kung ano man 'yun, dadalhin ko 'yun ng buong puso, ng may pagmamahal at pagtitiwala sa Diyos,” pahayag ni Rita.

Pag-angat naman sa challenges ang natutunan ni Shining Inheritance star Kyline Alcantara noong nagdaang taon, at sinabing mas na-appreciate niya ang sarili ngayon dahil sa mga pinagdaanan noong nakaraang taon.

“It was pretty rough at first, rebuilding myself again as a person and as an actress, but throughout 2024, I thought that God was there with me,” sabi ni Kyline.

BALIKAN ANG NEW YEAR CELEBRATIONS NG ILANG KAPUSO STARS SA GALLERY NA ITO:

Magbabalik naman sa entablado ng teatro si Mark Bautista ngayong taon, at ibinahagi ang kaniyang mantra ngayong 2025: To do what he loves.

“Ang iniisip ko ngayon is to work harder, travel more, create more art,” sabi ng singer-actor.

Sa pag-level up ng mga Kapuso stars, mas dapat abangan ang mga mas bonggang pasabog at performances nila sa All-Out Sundays. Sabi ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, mas dapat abangan ang AOS ngayong taon dahil “we're gonna do a lot of different things.”

“It's not gonna be your usual AOS. Manood kayo, and it's not gonna be the usual opening, it's not gonna be the usual roduction numbers, laging merong different flavors,” sabi ng singer.

Pag-amin ni Ysabel Ortega, isa sa mga mantra niya ngayong taon ay maging isang beter performer hindi lang sa kaniyang mga projects, ngunit maging para sa naturang Sunday noontime variety show.

“Definitely, sobrang daming pasabog po ngayon sa All-Out Sundays, especially now na 75th anniversary ng GMA. Marami po talaga kaming pasabog,” sabi ng aktres.

Panoorin ang buong panayam nila dito: