
Maraming fans ang nagtatanong kung mayroon pa nga bang oras ang Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix sa kaniyang girlfriend na si Ysabel Ortega dahil sa sobrang pagka-busy nito sa bagong serye.
Sa All-Out-Sundays guesting ni Ysabel noong Linggo, binigyan ng update ng aktres ang mga YsaGuel fans tungkol sa kanilang relasyon.
Itinanong ni Boy Abunda para sa mga fans, "Ysabel, totoo nga ba na binabalewala ka na ni Miguel dahil sa sobrang busy niya sa 'Mga Batang Riles'?"
Binanggit ni Tito Boy na may bali-balitang ang dalawa ay nag-break na at hindi pa lamang tuluyang umaamin.
"Ang sa akin lang po, hindi man lang po niya tinapos 'yung prod na kasama ako," tampu-tampuhang sagot ni Ysabel.
Dadgdag ni Ysabel, "Pero siyempre, charot lang po! Alam naman po ni Miguel 'yun na todo suporta ako sa kaniya, even backstage may work, nanonood ako, nag-la-livestream ako ng 'Mga Batang Riles', so ganon ako ka-supportive."
Pinuri rin ni Tito Boy ang action drama series na Mga Batang Riles at binati ang galing ni Miguel sa bagong serye.
"So, walang katotohanan ito?" tanong ni Tito Boy.
Paglinaw ni Ysabel, "Wala po, it's chariz!"
Sabi naman ni Tito Boy kung sinuman ang nagimbento nito ay siya ang may pasabog.
Patuloy na abangan si Miguel Tanfelix sa Mga Batang Riles tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 pm, sa GMA Prime.