
Ngayong may Luzon-wide quarantine dahil sa COVID-19 paano nagba-bonding ang Team Dantes?
Ibinahagi 'yan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa unang live “no contact” online show ng 'All-Out Sundays.'
Kuwento ni DingDong, “Siguro ipaliwanag lang namin 'yung structure ng araw namin sa nakaraang isang linggo. Nagumpisa 'yan sa pagluluto niya [Marian].”
Dagdag niya, “Ang masaya kasi nagkaroon kami ng oras para maka-bonding 'yung mga anak namin.”
Ayon kay Dingdong, hinahati nila ang kanilang araw sa tatlong bahagi, “Dinivide namin 'yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, 'yan na 'yung bonding namin.”
Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakibahagi sa first-ever no-contact online show ng GMA
Ikinuwento ni Dingdong kung paano nagsisilbing ilaw ng tahanan at guro si Marian sa kanilang pamilya. “Sa learning, si Marian 'yung nagiging teacher kasi marami siyang mga sources at work sheets.”
Paliwanag ni Marian, kahati niya pa rin si Dingdong sa pagtuturo sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.
“Kasi siyempre 'di ba kapag hindi lumalabas kasi nabo-bore sila sa bahay? So gumawa na lang ako ng activities na hindi lang ako, kailangan si Dong din bigyan niya rin si Zia ng activities na work sheets kumbaga.
"Para at least natututo pa rin sila. Alam kong mahirap pero kailangan pagtiyagaan talaga.”
Dagdag ni Marian, bumalik sila sa old school na mga laro ngayong nasa bahay silang apat.
“Tapos sa afternoon, meron kami sa bahay, corny pero nagiging okey naman--tagu-taguan kami. May langit at lupa.”
Aniya, “Sa Museong Pambata nakabili kasi ako sa kanila ng mga jackstones at palayok. 'Yun 'yung ginagawa namin ngayon.”
GMA's first-ever no-contact online show reaches 1M views
Si Dingdong naman ang nagsisilbing storyteller tuwing gabi para sa mga anak. Kuwento niya, “Tapos sa gabi meron kaming stories with lessons. Lumalabas tuloy 'yung mga kuwento ko sa Amazing Earth naaalala ko bigla.
"Kasi nauubusan na ako ng kuwento.”
Malaki rin ang pasasalamat ng DongYan sa lahat ng mga Kapuso na tumutulong sa kapwa Pilipino ngayong may COVID-19 pandemic.
“Siyempre gusto natin pasalamatan 'yung mga Kapuso natin, 'yung mga kapwa Pilipino natin na may walang sawang pagmamalasakit sa kapwa natin.
"Nandiyan para tumulong sa 'tin, 'yung mga doctor natin. 'Yung mga bukas na groceries para makakain 'yung mga tao. Alam kong hindi talaga biro itong pinagdadaanan natin,” saad ni Marian.
Aminado si Marian na siya man din ay nakakaramdam din ng takot dahil sa pandemic.
Aniya, “Sinasabi ko kay Dong every night natatakot ako kasi may anak ako. Hindi ko alam kung anong buhay ang meron sila pagkatapos ng lahat ng ito pero nire-remind ako ni Dad na wala namang hindi nakukuha sa dasal at sa pagkakaisa.”
Ayon naman kay Dingdong, may dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong crisis. “Meron talagang purpose kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Hindi man natin maipaliwanag ngayon, sooner or later makikita rin natin 'yung totoong dahilan.”
“Pero maraming tinuturo itong crisis sa 'tin as individuals, such as resiliency, and how to be compassionate to others kaya halimbawa meron tayong Kapuso Foundation Drive ngayon kung saan puwede natin ipakita 'yung pagmamalasakit natin sa mga kababayan nating apektado.
"There are so many ways to help just get in touch with the GMA Kapuso Foundation.”