GMA Logo arla Abellana Rhian Ramos Glaiza de Castro
What's on TV

Sino kina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Glaiza de Castro, ang nag-audition noon sa 'Little Miss Philippines?'

By Bianca Geli
Published July 21, 2020 9:46 AM PHT
Updated August 2, 2020 2:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

arla Abellana Rhian Ramos Glaiza de Castro


Panoorin ang bukingan nina Carla Abellana, Glaiza de Castro, at Rhian Ramos sa "Don't Me" segment ng 'All-Out Sundays' para malaman kung sino sa tatlo ang nag-audition sa 'Little Miss Philippines' ng 'Eat Bulaga.'

Nagka-bukingan ang Kapuso actresses na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Glaiza de Castro sa "Don't Me" segment ng All-Out Sundays nitong nakaraang July 19.

Ang laro: huhulaan ni Descendants of the Sun PH actor na si Rocco Nacino kung sino sa kanilang tatlo ang nagsasabi ng totoo.

Ilan sa mga big revelation nila ay ang pagpapanggap ni Glaiza bilang lalaki nang makipagkita sa boyfriend nitong si David Rainey nang dalawin niya ito sa Ireland.

Aniya, "Nagpanggap akong lalaki para magulat siya at hindi niya talaga ako nakilala dahil mas guwapo ako sa kaniya."

Ito raw ang pinaka-astig na prank ni Glaiza para sa kaniyang boyfriend.

"Nung nagpunta ako sa Ireland for the first time, sinorpresa ko siya earlier. 'Yung expected niyang date ng pagpunta ko, pinaaga ko.

"Tapos may nakipag-konchaba ako sa family niya. Tinulungan nila ako sa pag-set up ng disguise ko."

Si Carla naman, hindi raw marunong umastang lasing. Kuwento niya, "Nasa stage ako may kasama akong banda tapos kunwari lasing ako, hindi talaga ako marunong mag-lasing-lasingan."

Dagdag niya, "Eksena 'yan sa taping ng Because of You. Nasa stage ako may eksena na kasama ang isang liveband inaral ko pa 'yung kanta na sinulat ng banda na 'yon.

"Napakahirap kasi lasing ka na tapos kumakanta ka pa 'yung eksena."

Si Rhian naman, ginulat ang lahat ng ikuwento na naging Sunday school teacher siya noon. Saad niya, "Naging Sunday School teacher ako noon, makikita niyo ako sa set mahilig ako sa kids.

"Ni-re-request ko pa na 'yung mga mother roles sa'kin ibigay.

"It was a really good time in my life, 'yung age group na tinuturan ko is mga toddlers."

Isa naman sa tatlong Kapuso ladies ang umamin na nag-audition sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noon pero hindi nakapasok sa cut-off ng audition. Sino kaya sa kanilang tatlo ito?

Panoorin sa 'All-Out Sundays' Don't Me segment:


All-Out Sundays: AOS OGs groove to the 'Marikit Dance Challenge!'

All-Out Sundays: 'Chinita Girl' dance craze with Kyline, Lexi and the Legaspi twins!