GMA Logo bea alonzo on all out sundays
What's on TV

Bea Alonzo trends online as she joins 'All-Out Sundays' barkada

By Nherz Almo
Published October 3, 2021 1:59 PM PHT
Updated October 3, 2021 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo on all out sundays


Kasing-init ng pag-welcome ng 'All-Out Sundays' barkada ang reaksiyon ng fans online!

"Ang saya-saya po kasi sa wakas nasa AOS stage na ako!"

Ito ang masayang pahayag ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo matapos siyang i-welcome ng mga kapwa Kapuso stars sa All-Out Sundays kanina, October 3.

Dagdag pa ni Bea, "I'm so thankful kasi ang dami ko agad nakilala na mga kapuso ngayon. Tulad ngayon, nasa AOS stage na ako, biruin n'yo yun, kayo naman ang mga katambay ko."

Ilan sa mga naunang nag-welcome kay Bea sa All-Out Sundays ay sina Barbie Forteza, Christian Bautista, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ken Chan, at Rayver Cruz.

Kabilang din sa opening prod sina Andrea Torres, Bianca Umali, Cassy Legaspi, Derrick Monasterio, Joaquin Domagoso, at Ruru Madrid.

Ilang sandali lang, naging trending topic agad ang "Bea Alonzo" sa Twitter dahil sa excitement ng fans nang makita ang aktres sa award-winning program.

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens:

Samantala, tingnan ang most stylish looks ni Bea Alonzo rito: