
Sa isang online exclusive video ng All-Out Sundays cast, nagkaaminan sina Julie Anne San Jose, Mark Bautista, at ang mga miyembro ng #FYP sa isang "Never Have I Ever" Challenge.
Nang magkaaminan kung sino sa kanila ang tumakas ng bahay para gumala, guilty sina Mark at Julie.
"Yes, when I was younger, maraming beses," pag-amin ni Mark.
Kwento naman ni Julie, "Yes, I have. Oh my gosh. I'm so sorry, Mommy.
"This was a long time ago and I don't do that now because may pandemic."
Tumakas man sa bahay, wala naman sa mga AyOs cast ang nagtangkang tumakas ng event o taping at nagkunwaring may sakit. Para sa #FYP member na si Hannah Arguelles, "Never, pinaghirapan po namin ito, ba't namin gagawin 'yan?"
Panoorin ang iba pa nilang mga revelations dito:
Meet the women of 'All-Out Sundays' here: