
Sa nakaraang episode ng All-Out Sundays, nalagay sa hot seat sa isang game portion sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Tanong ng host na si Pokwang kay Rayver, "Alam na ng buong mundo na single ka na. Ready ka na bang magmahal muli?"
Sagot naman ni Rayver, "You know what, guys...hinay-hinay lang muna."
Hindi rin nakalusot ang Limitless star na si Julie Anne San Jose, "Nararamdaman mo bang ngayong 2022, magiging limitless na ang love life mo?" tanong ni Pokwang.
Matipid ang naging sagot ni Julie, aniya, "We will see, God knows."
Matatandaang napabalitang break na si Rayver at ang longtime girlfriend nitong si Janine Gutierrez noong Oktubre ng 2021.
Samantala, naghiwalay sina Julie Anne San Jose at ang Kapuso actor na si Benjamin Alves noong 2019 matapos ang relasyon nila na unang inamin sa publiko noong 2016.
Tingnan ang singing divas ng All-Out Sundays sa gallery na ito: