
Sa nakaraang episode ng All-Out Sundays, naging bida sa Sing-kilig si Jasmine Curtis-Smith kung saan may naka-blind date itong dalawang kiligabols na pagpipilian niya para sa kanyang ultimate kiligabol date.
Ang hindi alam ni Jasmine, dalawang beki na komedyante pala ang pagpipilian niya!
Dahil boses lang ang basehan ni Jasmine sa kanyang blind date, pinakilig ito sa kisig ng boses ng mga nagpapanggap na beki.
Ang comedians na sina Petite at Pepay ang nasa likod ng mga makikisig na boses.
"Feeling ko meron 'eh. Sa boses pa lang ramdam na ramdam mo na kung sino 'yung pwede mong yakapin,” saad ni Jasmine.
Binigyan din ng acting challenge ang tatlo para makita ang husay nila sa pag-arte.
Sino kaya ang nagwagi sa puso ni Jasmine at ano kaya ang naging reaksyon nito sa naganap na big reveal?
Kilalanin ang mga divas ng All-Out Sundays: