GMA Logo Zephanie in All-Out Sundays
What's on TV

Zephanie, grateful sa kanyang first performance bilang Kapuso

By Marah Ruiz
Published April 3, 2022 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie in All-Out Sundays


Mainit ang naging pagtanggap kay Zephanie sa una niyang performance sa 'All-Out Sundays.'

Sa unang pagkakataon, nag-perform ang bagong pirmang Kapuso na si Zephanie sa Sunday variety show na All-Out Sundays.

Suot ang isang striking pink gown, inawit ni Zephanie ang "Who You Are" ang hit song ng English singer-songwriter na si Jessie J.

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Matapos ang kanyang performance, lubos na nagpasalamat si Zephanie sa mga sumuporta sa kanya sa bagong direksiyon ng kanyang career.

"Punong-puno ng pasasalamat at saya yung puso ko ngayon ❤️

"Sa pag-apak ko muli sa entablado, wala akong ibang naramdaman kundi pagmamahal at mainit na pagtanggap mula sa mga taong nasa paligid ko. Salamat sa inyong lahat!

"I am proud to be a Kapuso!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Pasok din sa top trending topics ng Twitter Philippines ang official hashtag na #AOSApirSaApril na nakarating sa fourth spot at "AOS Welcomes Zephanie" na nakarating naman sa seventh spot.

Pumirma ng kontrata si Zephanie sa Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network nito lamang March 31.

Produkto ng isang talent search competition ang 19-year-old singer na mula sa Biñan, Laguna.

Hinirang din siya bilang New Female Recording Artist of the Year in the 12th PMPC Star Awards for Music.

Silipin ang highlights ng kanyang contract signing event sa eksklusibong gallery na ito: