
Bukod sa kantahan, tawanan, at games, maari niyo na ring i-share ang mga hugot sa lovelife niyo. Lahat ng unforgettable experiences in love, maitatampok niyo na sa All-Out Sundays Sana All: Hugot from the Heart portion.
Dito niyo makakakuwentuhan ang All-Out Sundays barkada at ibang viewers 'pag dating sa lovelife, kaya ihanda na ang inyong sariling karanasan sa pag-ibig at baka sa inyo ang mapiling hugot love story.
Para sa buong mechanics, tumutok lang sa All-Out Sundays stay at home party sa tuwing 12:45 p.m. ng Linggo sa GMA Network.
Maari ring panoorin ito via livestream at balikan ang mga na-miss niyong episodes sa GMANetwork.com at official All-Out Sundays Facebook and Twitter.
Related content:
All-Out Sundays: Aicelle, Julie, Golden and Thea deliver a powerful performance of Aegis hits