
Nagbukingan ang ilan sa cast ng hit '90s youth-oriented Kapuso program na T.G.I.S. sa All-Out Sundays at home reunion kabilang sina Angelu de Leon, Ciara Sotto, Bobby Andrews, Michael Flores, Bernadette Allyson, at Red Sternberg.
Direk Mark Reyes, Angelu de Leon, Michael Flores celebrate 25 years of 'T.G.I.S.'
Tanong ng host na si Paolo Contis, "Sino sa inyo ang may naka-relasyon sa cast ng show?"
Balik-tanong naman ni Angelu, "During nung show o after?"
Sagot ni Paolo, "Mas maganda kung during."
Nang karamihan ng votes ay sina Angelu at Ciara, inamin na ni Ciara kung sino ang naging ex-boyfriend niya sa cast.
'Yung ka-loveteam ko noon siyempre, si Onemig," saad ni Ciara
Tanong naman ng host na si Michael V., "Meron daw isang nilawagan lahat ng nakapareha niya?"
Binuking naman ni Red si Michael, "Si Michael Flores, naging sila noon ni Raven."
Paliwanag ni Michael, "Meron akong naging girlfriend at meron akong niligawan."
Panoorin ang kanilang bukingan sa All-Out Sundays:
Then and Now: The cast of 'TGIS'
T.G.I.S' cast members reveal decades-long secrets