
Talagang ginalingan ni Ruru Madrid ang kaniyang fourth and final week sa All-Star Videoke! Kaya naman sa jackpot round ng musical game show, na-perfect ng Kapuso heartthrob ang kantang "Kahit Maputi na ang Buhok ko."
Dahil na-perfect niya ang jackpot round, mag-uuwi si Ruru ng tumataginting na PHP 362,750 pesos.
Aniya, "Thank you so much sa All-Star Videoke sa opportunity na 'to. Sobrang nag-enjoy ako dito."
Maliban sa cash prize, masayang-masaya rin si Ruru dahil napalanunan niya ang All-Star Videoke grand prize na brand new SUV. Panoorin ang kaniyang winning moment below:
Excited na si Ruru to test out his new ride.
Sino kaya ang susunod sa mga yapak nina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid na mag-uuwi ng All-Star Videoke grand prize? Abangan ang all-original Pinoy game show every Sunday pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.