Twelve kids. One champion. No leftovers.
Labindalawang kids, sasabak sa isang amazing cooking contest.Gamit ang mga piling ingredients at cooking tools, patutunayan nilang hindi na bawal sa kusina ang mga bata! Dahil ang kayang lutuin ng adults, kaya na rin ng mga bulilit! Layunin ng programa na magkaroon ng fun at friendly environment upang maipakita ng mga bata ang kanilang galing sa pagluluto at madagdagan ang kanilang kaalaman.
Linggu-linggo, magkakaroon ng cooking at skills challenges na huhusgahan ng tatlong respetadong chefs. Ang chef judges na ito ang magdedesisyon kung sino ang mananatili para sa next round at kung sino ang magpapaalam na.
Siguradong masaya, cute at katakam-takam ang Saturday mornings sa Amazing Cooking Kids, kung saan kahit matatanda ay matututong magluto mula sa mga bata.
Simula April 16, ang Amazing Cooking Kids ay mapapanood tuwing Sabado bago mag-Eat Bulaga dito lamang sa GMA.