
Sa darating na July 14, magsisimula na ang selebrasyon para sa 5th anniversary ng Amazing Earth.
Simula July 14, mapapanood na tuwing Biyernes, 9:35 p.m. ang mga amazing na mga adventures at mga istoryang hatid ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Bukod sa bagong timeslot, kaabang-abang din ang inihanda ng Kapuso Primetime King at ng Amazing Earth sa kanilang 3-part anniversary special. Ito ay mapapanood na sa darating na July 14, 21, at 28.
Huwag magpahuli sa exciting na anniversary special ng Amazing Earth. Abangan ito simula July 14, 9:35 pm, pagkatapos ng Royal Blood.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: