GMA Logo Amazing Earth 5th anniversary
What's on TV

5th anniversary ng 'Amazing Earth,' panalo sa mga manonood

By Maine Aquino
Published July 18, 2023 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth 5th anniversary


Patuloy na subaybayan ang month-long celebration ng 'Amazing Earth' tuwing Biyernes, 9:35 p.m.

Panalo sa mga manonood ang 5th anniversary special ng Amazing Earth.

Dingdong Dantes

Ang unang bahagi ng month-long celebration ng Amazing Earth ay napanood noong July 14 sa bagong timeslot nito na Biyernes tuwing 9:35 ng gabi.

Umani ang espesyal na 5th anniversary episode ng Amazing Earth ng 6.1% ratings ayon sa NUTAM People Ratings.

A post shared by Amazing Earth Ph (@amazingearthph)

Tampok sa episode na ito ang pag-explore sa Minalayo Island a.k.a Snake Island sa Masbate, at ang kuwento ng highly venomous and amphibious banded sea krait or walo-walo.

Napanood rin ang mangingisdang vlogger at ang karanasan sa pagharap ng isang malaking octopus. Kasama pa sa episode na ito ang kuwento mula sa nature documentary na “Wild Dynasties: Growing Up Wild.”

Samantala, abangan ang susunod na mga ibabahagi ni Dingdong Dantes sa 5th anniversary ng Amazing Earth sa darating na July 21, 9:35 p.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: