What's on TV

Faye Lorenzo, naglinis ng kanal sa Bulacan

By Maine Aquino
Published October 4, 2023 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pila ka mga turista, ginpili igasaulog sang bag-ong tuig sa isla sang Boracay | One Western Visayas
Electrical issues are top cause of New Year's Eve fires – BFP
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo in Amazing Earth


Balikan ang paglilinis ng kanal ni Faye Lorenzo kasama ang vloggers sa 'Amazing Earth.'

Napanood si Faye Lorenzo sa isang cleanup activity sa Amazing Earth.

Noong September 29, dumayo si Faye sa Bulacan para makatulong sa kalikasan kasama ang vloggers na Quatro Santos, na gumagawa ng ilang cleanup activities sa kanilang YouTube channel. Sila rin ang kinilalang Amazing Earth heroes sa episode na ito.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Ayon kay Faye, hindi madali ang ginagawa ng Quatro Santos kaya saludo siya sa kanilang dedikasyon sa pagtulong sa kalikasan.

Bukod dito, napanood rin ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa mga nag-aalburotong mga kalabaw. Alamin kung bakit nagiging agresibo ang mga ito at ano ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.

Tutukan ang susunod pang mga exciting na kuwento ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth tuwing Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.