
Isang amazing at special na Friday night ang ating mapapanood sa Amazing Earth dahil makakasama ni Dingdong Dantes si Marian Rivera.
Sa December 22, may amazing Christmas adventure ang ating Kapuso Primetime King and Queen.
Samahan natin silang mag-reminisce ng kanilang favorite childhood games. Magpapalipad naman ng saranggola at may bike tour pa ang mag-asawa sa Balete, Batangas.
Tampok din sa episode na ito ang kanilang romantic date featuring authentic Batangas merienda.
Hindi rin papahuli sa episode na ito ang mga kuwento ni Dingdong mula sa nature-documentary na “Circus of the Wild.”
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.