
Masaya at nakakaaliw na mga challenge ang hinarap nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Amazing Earth.
Noong December 22, sumabak sina Dingdong at Marian sa iba't ibang outdoor activities na in-enjoy nila sa kanilang kabataan. Ito ay ang pagpapalipad ng saranggola at pagbibisikleta.
Bukod dito, ni-rewind nina Dingdong at Marian ang kanilang mga kinaaliwang outdoor activities noon.
Sa isang bahagi pa ng Amazing Earth, sinabi ni Dingdong ang nais niya para sa mga anak na sina Zia at Sixto.
Ani Dingdong, "Mas priority nila 'yung mga outdoor activities katulad ng ginawa natin, kite flying, 'yung pagbibisikleta."
Tanong pa ni Marian kay Dingdong, "Si Sixto, ano ang pinakagusto mong matutunan na sports para sa kanya?"
Sagot ni Dingdong, "Gusto ko kahit papaano may isa siyang sport na mama-master at isang music instrument. Silang dalawa."
Panoorin ang kanilang masayang bonding sa Amazing Earth: