
Ang team Amazing Earth at Kapuso weather presenter at national athlete na si Maureen Schrijvers ang unang nakaakyat sa tuktok ng Tinabak Rock Formations.
Sa episode noong January 12, ikinuwento ni Amazing Earth host na si Dingdong Dantes ang ultimate adventure ng team Amazing Earth at ni Maureen sa Tanay, Rizal.
Tampok din sa Amazing Earth ang Traslacion o procession of the Black Nazarene. Balikan ang kuwento ng seminarian and Nazarene devotee na si Alvin Lorca sa annual celebration na ito ng mga Pinoy.
Tutukan ang iba pang amazing na mga adventures at mga kuwento sa Amazing Earth tuwing Biyernes sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.