
Ngayong Biyernes (May 3), samahan natin si Dingdong Dantes sa kaniyang bagong adventure sa Amazing Earth.
Tampok sa episode na ito ang Nueva Ecija's hidden gem, ang Minalungao National Park. Alamin kung bakit ito binansagang Palawan of the North.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Mapapanood din sa Amazing Earth ang Bicolana pageant veteran-turned-Sparkle Artist na si Rein Hillary Carrascal. Abangan ang kaniyang ultimate challenge sa isang eco-adventure park sa San Juan, Batangas na patok sa mga adventurers and thrill-seekers.
Huwag din palampasin ang mga kuwento ng Kapuso Primetime King tungkol sa buhay ng young wild animals sa nature docu-series na Babies Diary.
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes, 9:35 pm sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.