
Sa May 17, saksihan natin sa Amazing Earth ang buhay ni Dingdong Dantes bilang isang lieutenant commander of the Philippine Navy.
Ibabahagi ng Kapuso Primetime King ang kaniyang karanasan sa trainings, outreach programs and adventures bilang isang Navy reservist.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth / Dingdong Dantes
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Dingdong Dantes, Rocco Nacino at the donning of ranks at PH Navy HQ
Tampok din sa Amazing Earth ang pagbisita ng visual artist, vlogger, and adventurer na si Carlos Caacbay sa Balabac Islands sa southern Palawan. Ito ay kilala rin bilang home of the endemic Philippine mousedeer o pilandok.
Mula naman sa Africa ang mga amazing na kuwento ng Kapuso Primetime King sa wildlife series na "Babies Diary".
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Biyernes (May 17), 9:35 pm sa GMA Network at Pinoy Hits.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.