GMA Logo Dingdong Dantes, Zia, and Sixto
PHOTO SOURCE: Amazing Earth/ @marianrivera
What's on TV

Dingdong Dantes, inilahad ang aral na natutunan nina Zia at Sixto sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published July 1, 2024 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Zia, and Sixto


Alamin ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa mga aral na natutunan nina Zia at Sixto mula sa 'Amazing Earth.'

Ikinuwento ni Dingdong Dantes sa mga fans ng kaniyang programang Amazing Earth ang mga anak na sina Zia at Sixto.

Ayon sa Kapuso Primetime King, maraming aral na natutunan sina Zia at Sixto sa pagtutok sa Amazing Earth.

Ani Dingdong sa kaniyang interview sa 24 Oras, "Namamangha sila kasi siyempre mahilig sila sa mga hayop. Tapos kapag nakikita nila 'yung mga nangyayari sa animal kingdom parang sinasabi nila parang minsan parang mga tao rin pala sila."

Dingdong Dantes Zia and Sixto

PHOTO SOURCE: @dongdantes



Dahil sa Amazing Earth, lumalawak daw ang kaalaman nina Zia at Sixto sa kanilang kapaligiran.

"Mas naiintindihan nila 'yung nature and beauty ng ating kalikasan at ating kapaligiran."

Dugtong pa ni Dingdong, magandang matutunan ito ng mga anak habang sila ay bata pa.

"Maganda kasi at a very young age nauunawaan nila 'yan para mas magiging solid 'yung appreciation nila sa lahat ng bagay."


Abangan ang ikalawa at ikatlong bahagi ng 6th anniversary special ng Amazing Earth sa July 5 at July 12, 9:35 p.m. sa GMA at sa Pinoy Hits

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA 'AMAZING EARTH.'