GMA Logo Don Laurel
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
What's on TV

Dating showbiz heartthrob na si Don Laurel, pulis na sa Canada

By Maine Aquino
Published September 10, 2024 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Don Laurel


Alamin ang buhay sa Canada ng '90s heartthrob na si Don Laurel.

Ang '90s showbiz heartthrob na si Don Laurel ay isa na ngayong respetadong pulis sa Toronto, Canada.

Sa kanyang guesting sa Amazing Earth ay ikinuwento niya ang kanyang buhay bilang pulis matapos niyang iwan ang mundo ng showbiz.

PHOTO SOURCE: Don Louie Laurel

Ayon kay Don, bago pa siya pumasok sa showbiz ay tumira na siya noon sa Canada. Si Don ay napanood sa ilang serye tulad ng Mula sa Puso, at ilang pelikula tulad ng Soltera at Anak.

Ang asawa naman ni Don na si Aurora Halili ay dating aktres na isa na ngayong Zumba instructor sa Canada.

Kuwento ni Don, "Originally kasi I'm from Toronto, Canada. I had an opportunity na mag-artista sa Pilipinas, that's where I met Aurora. We decided to come back here to Toronto to have our family."

Nagsimula si Don sa Primary Response Unit ng Toronto Police Force noong 2008. Sa kasalukuyan, si Don ay naka-assign na sa Community Safety Unit.

Saad pa ni Don, "It is a dangerous job. Even before meeting Aurora, this was my dream job."

Sa ngayon ay may apat na anak sina Don at Aurora. Inilahad pa nila na isa sa kanilang hobby na gardening.

Ani Don, "Si Aurora talaga ang nag-influence sa akin about gardening. Kasi nga nakakatuwa rin na after a few months mayroon na kaming hina-harvest. Even mga bata love watering the plants."

Panoorin ang kuwento ni Don sa Amazing Earth:

Samantala, narito ang mga Pinoy celebrities na iniwan ang showbiz para sa buhay-abroad: