
Sasama sa Amazing Earth ngayong Biyernes (January 24) ang vlogger, triathlete, at flight attendant na si Aira Lopez para sa isang amazing adventure.
Ang Status by Sparkle star na si Aira ay sasabak sa adrenaline pumping airsoft target shooting. Alamin kung paano haharapin ni Aira ang challenge na ito ngayong Biyernes.
Mapapanood din sa Amazing Earth ang extraordinary tour tungkol sa reptiles at amphibians sa jungles of Luzon.
Hindi rin papahuli ang mga kuwento ni Dingdong Dantes mula sa nature series na “Asia's Weirdest: Mystery Death Squad." Tampok sa episode ngayong Biyernes ang mundo ng deadly group of creatures mula sa remote na bahagi ng Asya.
Tutukan ang Amazing Earth ngayong Biyernes (January 24), 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.