GMA Logo Angelica Eldrew and Elaiza Yulo
Source: Amazing Earth
What's on TV

Angelica, Eldrew, Elaiza Yulo, mapapanood sa 'Amazing Earth'

By Kristian Eric Javier
Published May 9, 2025 4:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Eldrew and Elaiza Yulo


Mapapanood ang gymnastics athletes na sina Eldrew at Elaiza Yulo, kasama ang kanilang Mommy Angelica Yulo sa 'Amazing Earth'.

Isang amazing episode ang handog ng Amazing Earth ngayong Biyernes, May 9, kung saan makakasama ni award-winning host DIngdong Dantes sina Mommy Angelica Yulo, at mga anak nitong sina Eldrew at Elaiza.

Matatandaang August 2024 pa huling humarap sa press si Mommy Angelica. Pero dahil naimbitahan ng Amazing Earth sina Eldrew at Elaiza, pumayag na rin siyang magpa-interview.

Sa behind-the-scenes interview ng mag-iina na ginanap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, tinanong din si Mommy Angelica kung papaano siya napapayag sa naturang interview. Sagot nito, “Sabi nga po, parang Mother's Day special din po na episode po so why not?”

At dahil nga mother's day, ibinahagi ni Mommy Angelica na isa sa mga ginagawa nila para ipagdiwang ang epsesyal na araw na ito ay ang kumain sa labas.

“Kumakain lang po sa labas, buong family po,” sabi nito.

Dugtong naman ni Eldrew, “Sa labas po ng bahay, dinadala po namin 'yung pagkain sa labas tapos kumakain po kami sa labas. [Mommy Angelica: Sa Kalye.] Hindi po sa kalye, sa tapat lang ng bahay para masabi namin na labas.”

Ayon kay Mommy Angelica ay "100 percent" na si Eldrew ang komedyante sa kanilang pamilya.

"Actually, baka 1,000 percent. Siya 'yung stress reliever namin sa pamilya. Siya 'yung clown, siya lahat," sabi ni Mommy Angelica.

Ngunit dagdag ng kaniyang kapatid na si Elaiza, "Siya rin 'yung nagpapa-stress."

Bukod kay two-time Olympic Medalist Carlos Yulo, pinasok at lumalaban na rin sina Eldrew at Elaiza sa gymnastics competitions.

Sa panayam sa kanila sa Amazing Earth, ibinahagi rin ng dalawa nag pagsasanay na ginawa nila abroad. At dahil nalalayo sa kaniya, madalas umano ipagdasal ni Mommy Angelica na malayo sa aksidente at peligrong dala ng napiling sport ng mga anak.

BALIKAN ANG PAGSASAMA NG MAGKAPATID NA CARLOS AT ELDREW YULO SA NAGANAP NA 2024 PSA AWARDS NIGHT DITO: