
Ngayong November 3, may adventure si Dingdong Dantes na exclusive na ipapakita sa Amazing Earth.
Ipapakita ni Dingdong ang kanyang 100% amazing hobby na pagmomotorsiklo. Ikukuwento rin niya kung paano niya natupad ang isa sa kanyang mga pangarap na epic road trip sa Europe.
Abangan ang kanyang naging adventure sa Amazing Earth pagkatapos ng 24 Oras Weekend.