
Sa pagbisita ni Alden Richards sa Amazing Earth ay ibinahagi niya kay Dingdong Dantes kung bakit mahalaga sa kanya ang pangangalaga sa kalikasan.
Kuwento ni Alden nitong November 10, ito ay para sa ikabubuti ng susunod na henerasyon.
Ani Alden, "It's also about preserving it para 'yung future generations may makita pa. May maabutan sila, kasi sayang eh. Hindi nila ma-e-experience yung ganda ng mundo kung tayo mismo eh sisirain lang natin."
Si Alden at ang kanyang mga supporters ay tinawag na Amazing Earth heroes ni Dingdong dahil sa kanilang mga proyekto para sa kalikasan.
Kuwento ni Alden, "Yung supporters ko lately, mga fans ko, are doing charity works on my behalf. May tree planting. Mayroon isang puno doon ipinangalan nila sa akin at sa team ko."
LOOK: #ALDENonAmazingEarth trending sa social media