
Ang Amazing Earth ay kinilala bilang Best Documentary Show ng KAKAMMPI OFW Gawad Parangal at tumanggap ng Anak TV Seal Award ngayong 2019.
Ang mga parangal na ito ay nagsilbing maagang Pamasko para kay Dingdong Dantes at sa team na bumubuo ng Amazing Earth.
Nagbahagi si Dingdong ang kanyang pasasalamat sa kanyang Instagram account.
Sabi ni Dingdong, "Huwow, ang saya naman nitong Pamasko sa amin dito sa Amazing Earth! Salamat Anak TV Awards at KAKAMMPI OFW Gawad Parangal sa inyong pagkilala sa aming trabaho."
Dagdag pa ni Dingdong, ito ang kanyang ikalawang taon na magpa-Pasko kasama ang team ng Amazing Earth.
“This will be my second Christmas with the amazing people behind the show, who tirelessly craft inspiring stories about the beauty of our planet. This recognition is truly shared by the whole team! Masarap na pampagana para sa susunod na taong sama-sama tayong naglalakbay, nag-eenjoy at natututo rito sa iisa nating-- amazing Earth! @gmanetwork @ricogutierrez”
Congratulations, Dingdong and Amazing Earth team!
Goat milk, pangalawa sa pinakamasustansyang gatas ayon sa mga eksperto | Ep. 78