
Kuwentong may pagmamahal sa kalikasan ang bumida nitong February 2 sa Amazing Earth.
Ibinahagi ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang nature friendly na wedding na naging viral sa social media at hinangaan ng marami.
Kuwento naman tungkol sa angry birds caught on cam ang isa sa pa sa tinalakay ng Amazing Earth.
Ang bamboo na bahay ng Sitio Macaira Bed and Breakfast sa Rizal, ibinahagi kung bakit ito ay isang must-see sa mga biyaheros at nature lovers.
Para naman sa music lovers, speakers na gawa sa bamboo ang dapat ninyong subukan.
Panoorin ang Amazing Earth tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend.